Para mapagtibay ang relasyon, hindi sapat yung lagi kayong magkasama. Mahalaga rin yung paminsan-minsan nakakapag-usap kayo ng seryosohan. Tulad ng mga bagay na alam niyong pwedeng makasakit sa damdamin ng isa’t isa pero kailangan niyong harapin kung gusto niyo talagang pagtibayin yung relasyon niyo.

Tama na yung mga pa-cute lang na relasyon. Nako! Di magtatagal yan. Kung mature kayo pareho ng girlfriend o boyfriend mo, dapat open kayo sa isa’t isa. Mas magaan sa loob ang walang tinatagong sikreto lalo na kung relasyon niyo ang pinag-uusapan. 

Pag-usapan niyo ang mga problema. Kahit yung simpleng tampo dapat pinag-uusapan. Wag mag-ipon ng sama ng loob dahil sa huli, pareho kayong masasaktan.

Source: annadominiquereyes

Pede pong mag tanong kaibigan?

Pwedeng pwede, kaibigan! :)

LIFE OF A BLOGGER

As a blogger, I don’t limit myself in writing. I don’t follow formats or anything. I just type whatever that comes out of my mind. But I make sure that every post I make has an impact to my readers. 

Basically, I choose the language to use. I see to it that the paragraphs are connected. I gather my thoughts before I start typing. I decide beforehand on what topic to discuss and how am I going to deliver. Everything must be in place.

Most of my posts are stories. Stories of my experiences, my everyday living, and sometimes an unforgettable happening on a certain day. My blog is an open diary. I write to express my thoughts and my feelings. But the most important purpose is to inspire people out of my experiences - negative or positive. 

I accept criticisms from my readers. I love receiving comments - good or bad. From them I can identify my strengths and weaknesses as a writer. Because of them I know where to stand in giving opinions to a certain topic. As what I always say, my opinions can be and/or cannot be accepted by the readers. I know that. I don’t force anyone to read my posts.

I am an ordinary blogger. I’m not famous like the others but one thing is for sure, I’m happy being one. 

Live life.

Love.

Be thankful.

Smile.

-Anna Dominique Reyes, Ngiti Tayo Kaibigan!

Source: annadominiquereyes

WHAT IF NAGBALIK ULIT YUNG TAONG MAHAL MO PERO NANAKIT SA’YO?

Yan ang tanong na bumungad sa akin sa ask.fm. Sagot? Eto: “Depende sa kung anong gagawin niya sa pagbalik niya. Depende rin sa tagal ng panahon bago kami ulit magkita. Simple lang naman. Edi back to zero. Forgive… Ganun lang. :) Besides, minahal mo diba? Kaya kahit nasaktan ka niyan, once na napatawad mo na magiging okay ang lahat. Pero hindi ibig sabihin nun na mamahalin mo siya tulad ng dati. Pwedeng magkrus ulit ang landas niyo pero bilang magkaibigan na lang.” 

Paano nga kaya ano? Anong gagawin mo? Matotorete ka ba? Matitigilan ka na lang ba sa isang tabi at tutunganga sa kaniya pag nagkita kayo? O buong puso mong ilalabas ang ngiti sa iyong mga labi at kukumustahin siya?

Maraming tanong. Maraming posibleng aksyon ang maaaring maganap sa oras na dumating yan sa buhay mo. Wala eh. Di mo aasahan na ang taong kulang na lang eh isumpa mo ay biglang magpaparamdam o magpapakita sa’yo. Dalawa lang naman ang choice mo sa ganung sitwasyon. It’s either kausapin mo siya (kung napatawad mo na) o tuluyang lumayo at kalimutan siya (kung bitter ka to the highest level).

Kaibigan, maraming hindi magagandang pangyayari ang dumadating sa buhay natin. Wag tayong magpakalunod doon. Move on move on din pag may time. Mahirap sa umpisa pero eventually, matatanggap mo rin ang lahat. Matutong magpatawad pero wag magpakatanga. Maging wise sa mga desisyong gagawin. Isipin mong mabuti kung dapat bang balikan mo siya (kung nakikipagbalikan lang, wag kang assuming!) o dapat pa rin bang makipagkaibigan ka sa kaniya. Be smart! Dapat ikaw sa sarili mo alam mo kung ang isang tao ay karapat-dapat manatili sa buhay mo.

Forgive. It will make you feel lighter. :)

Source: annadominiquereyes

Aminin mo na pag crush mo ang isang tao, nahihiya kang lumapit sa kaniya. Nahihiya kang kausapin siya kahit na gustong gusto mong makilala pa siya ng lubos.

Nako! Payo ko lang mga kaibigan ah. Wag kang makuntento sa nakaw na tingin. Di ka ba napapagod na puro na lang sulyap yang ginagawa mo? Kung malinis ang hangarin mo sa taong crush mo, pwede ka naman gumawa ng paraan para malapitan o makausap siya. Kung ayaw mong malaman niya na may lihim kang pagtingin, edi wag kang magpahalata.

Sa ginagawa mong pag-iwas, mas mahahalata niyang may gusto ka sa kaniya. Tamang diskarte lang, kaibigan. Umpisahan mo sa pagngiti at pagbati ng “hi” o “hello”. Ganun lang. Wag kabahan! Di naman siguro nangangain yan diba? Wag sayangin ang mga pagkakataon na online kayo pareho. Malay mo, maging close pa kayo diba? :)

LIFE AFTER GRADUATION

What’s next?

Hindi mo talaga alam kung anong pwedeng mangyari pag nakatapos ka ng pag-aaral. Maaaring marami kang planong iniisip sa araw na makuha mo ang diploma mo. Lahat ng pwedeng maging trabaho naiisip mo na. Kung magkano ang sweldo, kung saan at kung sino ang mga makakatrabaho mo at marami pang iba. Minsan nga pati unang bibilhin mo sa unang sweldo mo naiisip mo na. 

Yung iba, gusto muna magpahinga. Yun bang after 4 years ng pagsusunog-kilay eh tambay muna ng ilang buwan bago humanap ng trabaho. Yung iba naman, hindi pa nakakagraduate pero todo na sa pagpasa ng resume para siguradong may trabaho na. Para-paraan lang naman yan. Sariling diskarte. Iba-iba ang mga gusto ng bawat taong nagtapos na sa pag-aaral, Ako? Eto ang kwento ko.

Nung nag 4th year college ako, wala na kong inisip kundi ang makagraduate. Lahat gagawin ko at pupuntahan ko para lang walang maging aberya sa pagkuha ng diploma. Umiwas ako sa mga absent. Kaya nga lang, sa di inaasahang pagkakataon, nagkasakit ako na kailangan pang maospital. Wala akong magagawa kaya nag-absent ako. Pero hindi yun naging dahilan para hindi ko makuha ang diploma ko.

Ika-18 ng Marso 2013 ako nagsuot ng toga at humarap sa mga tao na katunayan na graduate na ko sa kursong nursing. Masayang masaya ako nung araw na iyon dahil hindi ko lubos maisip na natapos ko ang kursong hindi ko naman talaga ginusto. Sa isip ko nung mga panahong iyon, BAKASYON! Yun talaga ang pumasok sa isip ko. Gusto kong pumunta sa lugar na makakapag-enjoy ako ng husto. Laking pasasalamat ko dahil hindi ako nabigo.

Unang linggo ng Abril ay nakapunta ako sa Pangasinan at sa Baguio bago ako tuluyan magreview para sa board exam Plano ko rin naman kumuha ng exam para naman magkaroon ng halaga ang pag graduate ko ng nursing. Sayang naman kasi kung nurse graduate nga ako pero di naman ako registered. Ayun. Kaya bago ako sumabak sa dalawang buwang pag-aaral, nag enjoy muna ako sa beach ng Pangasinan at lamig ng Baguio. Binisita ko pa ang Our Lady of Manaoag para ipagdasal ang pagpasa ko sa board exam. Kaya pag-uwi ko dito sa Quezon City, naghanap na ako ng review center.

Mula bakasyon, isang araw lang ang naging pahinga ko bago magreview. April 9 pumasok na ko sa review center na napili ko. Kasabay ng pagrereview ang pag-aayos ng mga papeles na ipapasa sa PRC. Akala ko nga hindi ako makakapag board exam dahil sa mga naging problema habang inaayos ko ang transcript ko at ang iba pang kailangan ng PRC. Pero talagang mabait ang Diyos dahil nakapagfile ako ng papers at pwede na for board exam.

Tiniis ko ang mga araw na gusto kong maglakwatcha pero hindi pwede. Pero nagawa kong mag-absent sa review ng isang araw dahil naka-set na talaga yung date ng pagpunta ko sa Batangas kasama ng barkada ko. Pagkatapos nun, wala na. Tutok na sa pag-aaral.

Ilang araw, ilang linggo ang hinintay ko bago mag board exam. Iniisip ko na rin ang magiging buhay ko habang hinihintay ko yung resulta. Pumasok na sa isip ko mag-apply sa call center pansamantala. O kaya tumambay ng ilang buwan at hintayin na lang ang resulta at kung ano pa. Inisip ko rin na lakarin muna ang mga mahahalagang bagay tulad ng NBI clearance, student driver’s license, Phil Health at iba pa. 

Kaya kinabukasan pagkatapos ng board exam, kahit di pa nakakabawi ng tulog ay pumila na ko para makakuha ng NBI clearance. Yun nga lang, may kapangalan ako kaya kailangan ko pang balikan ulit. Pagkatapos sa NBI, dumeretso ako sa Las Pinas para sa LTO. Buti na lang kasama ko papa ko para di na ko mahirapan pumila pa. Nilagnat pa ko nung mga oras na yun at buti na lang hindi na lumala.

Yung araw na ring iyon ay nakatanggap ang papa ko ng text mula sa kaibigan niya na naghahanap ng part time tutor. Dahil wala naman akong ginagawa habang naghihintay ng resulta, pinatos ko na! Pag-uwi ko sa bahay ay dali-dali kong inayos ang resume ko. Inemail ko agad at naghintay ng sagot.

Sadyang mabait si Lord. Kinabukasan nun ay nagtext sa akin ang may-ari ng school at gusto na niya ko ma-interview. Kaya kahapon, pumunta ako sa bahay nila para sa personal interview. Mukha namang mabait yung magiging boss ko at inorient na niya ko sa magiging trabaho ko. 

Oo, malayo sa course ko ang magiging trabaho ko. Pero okay lang! Basta may trabaho pwede na. Gusto ko lang magkaron ng sarili kong pera para hindi na ko masyadong pabigat. HAHAHAHA! 

My life after graduation is to be a math teacher. Wala sa plano pero kusang dumating sa akin. Sabi nga nila, pag may opportunity na binigay si Lord, kunin mo na. Kasi hindi mo alam kung may dadating pa. 1 year contract is fine with me. Mabilis lang ang panahon. Makakaipon naman ako siguro kahit papano. 

Kaya para sa mga tao na hindi pa rin sigurado kung anong magiging buhay after graduation, wag magsawang magdasal. Ibibigay ni Lord kung anong tama para sa’yo.

-Ngiti Tayo Kaibigan

FUTURE RN

Sa wakas, GRADUATE NA KO!

Isang buwan na akong graduate ngayon pero damang-dama ko pa rin ang pagiging estudyante ko. Yun nga lang, hindi na ako sa eskwelahan nag-aaral at hindi ko na rin kasama ang nag-iisa kong kaklase. Hindi ko na rin araw-araw nakikita ang mga tao sa office sa tuwing pumapasok ako. Ngayon, iba-ibang tao na ang nakakasalamuha ko. May iba fresh graduate din tulad ko mula sa iba’t ibang nursing schools. Yung iba, hindi pinalad sa mga nakaraang board exam kaya nagrereview pa rin at nagbabakasakali na sa susunod ay papalarin.

Ako? Nagtitiwala lang. Umaasa at naninindigan na ipapasa ko ang board exam. Pero syempre hindi ko magagawa yung kung nganganga lang ako at magwawalang bahala. Mahirap na umasa sa “stock knowledge” lalo na kung out of stock na talaga ang utak mo. LOL! HAHAHA! I mean, inaamin ko na hindi lahat ay pumasok talaga sa isip ko sa ilang taong pag-aaral ko ng nursing. Natutuwa ako dahil pumapasa ako sa mga sample exams o diagnostic tests sa review center. Dun ko nasusukat yung sarili ko kung kakayanin ko ang board exam. Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko! I claim to be a board passer

Tiwala sa sarili ang mahalaga. Sabi nga sa psychology, what you think will surely happen. Kaya kung iisipin ko na hindi ako papasa, eh talagang hindi ako papasa. Eh sa unang araw pa lang ng review ko, inisip ko na agad na magiging top notcher ako at sana mangyari yun. 

Goal 1: to pass the board exam. Goal 2: to be a top notcher.

Hindi ko lang siguro goal yan. Goal din yan ng iba pang nursing graduate. Una syempre para sa parents tapos yung school kung san graduate. Well. Ako baliktad. I’m doing this for my school, next is to my family. Kasi yung pag graduate ko, yun yung para sa parents ko eh. Natapos ko ang kursong gusto nila para sa’kin. Kaya yung diploma ko, para sa kanila. Ang magiging resulta ng board exam ay para naman sa school ko. Sineseryoso ko ang pagrereview ko dahil iniisip ko na kailangan one take lang ako sa board exam. Sayang ang pera! Marami pa kong haharaping gastos pag pumasa na ko ng board exam. Sunod-sunod na training ang kailangan kong gawin at hindi yun libre! Ako mismo ang magbabayad sa ospital para payagan ako mag training. 

Oh siya. Tama na muna at kailangan ko na magprepare para sa review class. Para sa mga BSN graduate tulad ko at kukuha ng board exam sa darating na June 2 & 3, 2013, God bless sa ating lahat! Kaya natin pumasa at maging tunay at rehistradong nurse. :) Tiwala lang at ngiti tayo kaibigan!

-Anna Dominique S. Reyes, future RN

It’s summer time! #beach #PH #pangasinan #ngititayokaibigan™ #summer #photo #typic

It’s summer time! #beach #PH #pangasinan #ngititayokaibigan™ #summer #photo #typic

RAT SOUP

Bago ko simulan ang post na ito, gusto ko lang ulit mag-hello sa inyong lahat…

HELLOOOOOOOOOOOOOO! 

Higit isang buwan din akong nawala sa mundo ng blogging at aminado akong na-miss kong dumaldal dito. Marami na ring mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko nagawang ikwento sa inyo tulad ng graduation, mga lakad at parties after graduation, holy week, at kung anu-ano pa! Pero sa pagkakataong ito, gusto kong ilabas ang pagkabwisit ko sa isang taong isang beses ko pa lang nakasama pero nagpainit na ng ulo ko.

Noong Sabado, ika-6 ng Abril, mula Dagupan ay umakyat kami sa Baguio. May kliyente kasi si papa doon kaya sumama na ako para pumasyal. Na-miss ko rin kasi ang hangin ng Baguio kaya hindi ako nagdalawang isip na sumama. Kasama rin namin yung friend ni papa para masamahan ako sa pamamasyal. 

Nung una, plano namin magcommute papuntang Baguio kasi wala naman kaming dalang sariling sasakyan. Sa pagmamagandang loob ng mga magulang ng kaibigan ng papa ko, pinakiusapan nila yung kapitbahay nilang driver na ipagmaneho kami gamit ang Adventure niya. Dahil dun, hassle-free ang pagpunta namin sa Baguio.

Nag-umpisa ang pagka-irita ko sa driver namin kasi hindi ko gusto yung kilos niya at kung pano siya magsalita. Para kasing ang yabang ng dating. Hindi ko na lang pinansin kasi nga hindi ko naman siya ganun kakilala para husgahan agad pero yun na talaga ang naging impression ko sa kaniya. Kaya imbis na painitin ko ang ulo ko, natulog na lang ako.

Nagising ako nung nasa Kennon Road na kami. Plain feeling, no excitement at all but I was happy. Nakalimutan ko yung inis ko dun sa driver. Hinatid muna namin si papa sa The Manor Hotel saka namin hinintay sa terminal ng bus yung assistant niya. 

Bumalik na naman ang pagka-inis ko nung nagtatanong siya kung ano at kung saan ko gustong kumain. Puro “kahit saan” at “kahit ano” yung sinasabi ko. Bigla niya kong tinanong kung kumakain ako ng sili. (HUH?!!) Yan lang yung naiwan sa utak ko nung tinanong niya ko. Ewan ko kung slow lang talaga ako nung araw na ‘yun pero alam kong nagbibiro lang siya. Oh well, hindi kami close kaya hindi ko feel yung mga joke niya sa’kin. Taray mode tuloy ako simula sa mga oras na yun. At para hindi mahalata, nagshades ako. Buti na lang maaraw at may dahilan ako para mag shades. Hindi ko na lang kinakausap yung driver para iwas high blood.

Lunch time, dinala niya kami sa isang eatery. I forgot the exact location pero in fairness, mura at masarap. Nainis lang ako nung sinabi niyang “rat soup” daw yung sabaw na unang hinain sa’min. Dahil dun, kahit isang kutsara hindi ko tinikman. Kahit gusto ko ng mainit na sabaw, hindi ko pa rin ginawa. SINO BA KASING GUSTO HUMIGOP NG SABAW NG DAGA!? Sige nga!

Hindi lang yun ang dahilan kung bakit inis na inis ako sa kaniya. Eto pa!

  • Minu-minuto ay may kausap o katext siya. Naiintindihan kong part-time lang niya ang pagiging driver, pero dahil sa tinanggap niya na ipagdadrive niya kami, dapat dun siya magfocus. Walang kaso sa’kin na makipag-usap siya habang nagmamaneho, ang ayoko lang, pati oras ko gusto niyang isunod sa oras niya - ang pagtambay sa isang lugar at magpatay oras. Kung hindi ko pa sasabihin sa friend ni papa na gusto ko na mamasyal, wala pa siyang plano magmaneho.
  • Mabilis magpatakbo ng sasakyan. Wala akong pakialam kung halos araw-araw ay pumupunta siya ng Baguio mula Dagupan. Wala akong pakialam kung sisiw na lang sa kaniya ang pagmamaneho. Ang akin lang, pwedeng sanay siya pero hindi niya alam kung kailan darating ang disgrasya. Gets? Sabihin na nating kabisado na niya talaga yung daan at halos umabot na sa 100 km/h ang bilis ng takbo niya, hindi pa rin niya alam kung may makakasalubong siyang tulad niya ng bilis. Uhh! Okay lang sana kung mag-isa lang siya. Eh hello! May sakay siya ‘no!
  • May baong alak. Mabilis na nga magmaneho, may katext/kausap pa tapos sasabayan pa ng shot. Talaga naman! Kaya wagas ang panalangin ko habang bumabyahe eh. Napaka prone niya sa aksidente. Grabe lang.

Iilan lang yan sa mga dahilan. Ang nagpainit ng ulo ko ng bonggang-bongga ay nung sinabi niyang mabagal pa yung pagdadrive niya nung narinig niyang sinabi ni papa sa kausap niya kung gano kabilis yung takbo namin. Sobrang yabang ng dating sa’kin. Kaya nung nakauwi kami sa bahay ng friend ni papa, pag baba ko ng sasakyan at pagkuha ko ng mga pinamili ko, deretso na agad ako sa loob. Di na ko nagpasalamat o nagsabi ng kung ano sa kaniya. Kahit nakita ko pa siya kinabukasan bago kami magsimba sa Manaoag, hindi ko siya pinapansin.

Hay! Pasensya na kung sama ng loob ko ang nabasa niyo sa pagbabalik ko. HAHAHAHA! Hindi ko lang talaga makalimutan.

Source: annadominiquereyes

Early graduation gift from one of my favorite professors, Mrs. Shirley Espina. The sweetest professor ever! #gift #bracelet #charm #red #instacollage 😊😘

Early graduation gift from one of my favorite professors, Mrs. Shirley Espina. The sweetest professor ever! #gift #bracelet #charm #red #instacollage 😊😘

About the Author

A future nurse. A singer. A blogger. I love sharing my thoughts in ways you cannot imagine. I love expressing my feelings through singing and writing. Proudly Pinoy! Get your own free Blogoversary button! Personal - Top Blogs Philippines

Flag Counter
free counters Follow on Bloglovin Instagram


Libre lang magtanong. :)

Connect