ANO ANG DAHILAN NG KATAMARAN?
Simple lang naman ang kasagutan sa tanong na yan. HINDI INTERESADO.
Ewan ko lang ah. Pero kasi yan ang alam kong dahilan kung bakit tinatamad ang mga tao ako. Sino ba naman ang sisipagin kung ayaw mo yung ginagawa mo? Mahirap kumilos pag napipilitan ka lang. Nasubukan niyo na ba? Yun bang sapilitan kang bibigyan ng mga dapat mong gawin. As in DAPAT at obligado kang gawin.
Minsan naman, kaya ka tinatamad kasi may problema na. Magulo ang sitwasyon at nakaka-apekto na yun sa bagay na ginagawa mo. Kahit na nandun yung initiative mo gawin ang isang bagay, tatamarin ka na lang dahil kahit na gusto mo, hindi pwede. Nagiging katamaran ang resulta.
Ewan ko. Basta ang alam ko, may rason kung bakit tinatamad ang tao. Dahil sa pagod? Pwede. Yun naman kadalasan eh.
At pwede rin namang maging dahilan ang lakas ng hila ng pagsuko. Yung tipong lumalaban ka pero para kang hinihigop. Bahala na nga.
Basta tinatamad ako. Tinatamad na ko. At sa totoo lang, ayoko ng ganitong feeling.











