TUMBLR EDITION
Dear Kambal,
HAPPY BIRTHDAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY! Wala kasi akong time gumawa ng letter para sa’yo at magpadala ng regalo kaya kahit na sa ganitong paraan na lang mapasaya kita. Hihihi! (Sweet ko noh?!)
Ang wish ko lang talaga para sa ating dalawa ay sana may isang araw na magkita at magkasama tayo. Sana talaga! Para matuloy natin yung friendship natin na hindi lang online. I know this will sound crazy for the others pero wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng iba. Alam mo naman ako. Wala akong pakialam sa iba, pero sa atin meron. HOHOHOHO! :)
Salamat sa pagiging kaibigan kahit na milya milya ang layo natin. Sa oras na kinakailangan ko ng paglalabasan ng sama ng loob, salamat dahil kahit na busy ka palagi nagagawan mong isingit ako sa schedule mo (lalo na pag naka duty ka sa kusina). HAHAHA! Sana talaga magkita na tayo.
Dapat talaga tatawagan kita saktong 12 midnight pero dahil nga sa iba ang mood ko kahapon, wala akong gana. Kaya tinext kita pag gising ko. :) At binati na kita sa Facebook at Twitter. So ngayon alam mo na kung anong edition ‘to ah! Di ko na kailangan sabihin pa. HAHAHA!
Happy Birthday ulit, kambal! Mag-enjoy ka! Kalimutan mo ang problema! Happy birthday! ALAK FOR YOU, LOVELIFE FOR ME! HAHAHAHAHAHA! God bless!
♥ Nikki :)











