PARA SA MGA MANLOLOKO
May mga tanong lang naman ako para sa mga taong walang ginawa kundi manloko.
1. Anong napapala ninyo sa tuwing may nakikita kayong tao na paniwalang paniwala sa mga kasinungalingang sinasabi niyo?
Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong nabubuhay na lang sa kasinungalingan. Yun bang puro hindi totoo yung lumalabas sa bibig. Kawawa naman yung mga taong naniniwala. Hay! Siguro nga natutuwa ang mga sinungaling pag may tao silang naloloko. Buhay nga naman. Basta ang masasabi ko lang, pag napatunayan ng isang tao na puro kasinungalingan lang ang nanggagaling sa bibig ng kakilala nila (o ng kaibigan nila), darating ang panahon na wala nang maniniwala sa kanila. At ang mas masaklap pa doon, mawawalan siya ng tunay na kaibigan.
2. Bakit kailangan niyo manloko lalo na ng taong matino?
Isa pa ‘to. Kung sino pa yung may mabuting ugali, sila pa yung nakakatagpo ng taong manloloko. Boring ba makipaglokohan sa kapwa niyo manloloko? Hindi ba mas okay na makipaglokohan ka sa kapareho mo ng isip? Ganito lang yan. Piliin niyo yung taong lolokohin. Kung gusto niya makipaglokohan, edi go! Pero kung alam mo na yung tao ay seryoso sa buhay, wag ka magulo! Dahil hindi lahat ng joke ay pwedeng patulan ng mga tao.
Kung sa usaping pag-ibig naman, kawawa yung mga taong naghahangad ng seryosong relasyon kung mapupunta sila sa taong “joke time” lang ang gusto. Sabihin na nating hindi lang naman puro lalaki ang manloloko, uso na rin ngayon na ang mga babae na ang nanloloko. Sige nga. Paliwanag niyo sa akin kung bakit nagagawa niyong lokohin ang mga taong matino? Kung isasagot mo sa akin na kasi niloko ka dati, o pwes. Bahala na ang karma sa’yo!
3. May kabutihan bang nagagawa sa inyo ang pagloloko?
Kung meron, ano? Kung wala, bakit tinutuloy mo pa rin? Naman! Kung masaya kayo sa ginagawa niyong ‘yan, isipin niyo na lang yung mga taong pwedeng masaktan. Yun ay kung may awa at kunsensya pang natitira sa inyo.
Kung nag-eenjoy kayo masyado sa mundo ng kalokohan, ilagay niyo sa lugar. Sarilihin niyo na lang yung magiging resulta ng mga kabulastugang ginagawa ninyo at wag na kayo mandamay pa ng iba. Ginulo mo na nga ang buhay mo, nanira ka pa ng buhay ng iba.
Yun lang naman. Wag kayong mag-alala, di ako galit. Chilled nga ako eh! LOL! Kung tamang lokohan lang, kaya ko maki-jive. Eh kung para saktan lang ako, MAG-ISA KA!











