PANLILIGAW TIPS
Paano ba manligaw? Para sa mga lalaking napanghihinaan ng loob, hindi marunong maglabas ng nararamdaman, naduduwag, o simpleng hindi pa marunong manligaw… ito na siguro ang sagot sa inyong mga katanungan.
- Kailangan maging gwapo ka sa paningin niya, or at least maging malinis sa katawan. Kailangan maging aware ka sa mga bagay na makakapagpaturn-off sa kanya.
- Kailangan maparamdam mo sa kanya na masaya ka sa tuwing kasama mo siya. Laging dapat nakangiti. Nakakagwapo yun.
- Kailangan mo magtipid sa sarili. Magastos ang manligaw. Kahit na sinabi ng babae na siya na ang sasagot ng mga babayaran, huwag na huwag daw hayaang mangyari yun. Dagdag points din yun.
- Iparamdam mo dapat sa kanya na importante siya sa’yo. Kung maaari, ihatid sundo siya sa bahay nila o kaya sa kanto malapit sa kanila. Mararamdaman ng babae na pinapahalagahan mo siya.
- Be a gentleman. Kung ano man ang buhat-buhat niya, ikaw na ang magdala. Huwag hayaang nahihirapan ang babaeng nililigawan. Sa lahat ng opportunity na maaari kang maging thoughtful at sweet, wag mong pakawalan. Wag mong palalampasin.
- Communication. Dapat maging constant ang komunikasyon niyo sa isa’t isa pero hindi naman yung tipong lahat na lang ng oras ay dapat magkatext o magkausap kayo. Magpamiss ka rin ng kahit kaunti.
- Iparamdam mo sa kanyang espesyal siyang babae sa lahat. Ipakita mo kung gaano ka kaswerte o kasaya dahil nakakasama mo siya.
- Maging totoo sa lahat ng sinasabi. Kasi mahirap kung puro pakitang tao lang ang gagawi mo o ipaparamdam mo sa kanya, baka mahalin ka lang niya dahil dun. Be honest. Be yourself.
- Huwag na huwag kang titingin sa ibang babae lalong lalo na kung magkasama pa kayo. Napakasakit sa feelings ng babaeng nililigawan mo yun. Kung siya, siya lang. Huwag kang magpapaakit sa mga babaeng sexy at magaganda lalong lalo na kapag nasa date kayo.
- Kung natalo sa sa laban na ito, huwag kang maging bitter. Huwag mo siyang pilitin kung ayaw na niya. Tandaan mo na nagtanong ka lang kung pwedeng manligaw pero kapag pinayagan ka niya, hindi agad-agad “Oo” ang maaaring maisagot niya sa’yo.
Source: Para Sa Hopeless Romantic ni Marcelo Santos III (pp. 107-108)
Short URL:











