MASARAP KILIGIN
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang trip sa buhay. Dahil sa mga trip na ito, may mga tao tayong nakikilala na sumasabay sa kung ano ang trip mo. Magkakilala man kayo o hindi, basta nalaman mo na may isang tao palang hindi nalalayo sa mga hilig mong gawin o pananaw mo sa buhay, nagkakaroon ka ng interes upang makilala sila.
Tatlong taon na akong blogger at tatlong taon na rin akong nahuhumaling magbasa ng mga blogs ng iba’t ibang tao. Yun bang kahit di ko naman sila kilala, naglalaan pa rin ako ng oras para basahin ang mga kwento nila. Mga karanasan nila sa opisina, paaralan, tambayan, ultimo pagkakadapa nila at kung ano pang kwentong katatawanan nila ay di ko pinalampas. Ewan ko ba. Siguro dahil sa ganun din ang paraan ko pagdating sa pagba-blog kaya nagugustuhan ko rin ang mga posts nila.
Sa di inaasahang pagkakataon, may nagbigay sa akin ng link sa YouTube at pinanuod ko ang istorya nina James at Crystel na pinamagatang “Chubby”. Dahil sa nung panahong iyon ay sagana rin ako sa timbang tulad ni Crystel at nangangarap akong matagpuan ang lalaki na magmamahal sa akin, lalo ako naging interesado sa mga kwentong ginagawa niya. Walang iba kundi si Marcelo Santos III.
Simula noon, sinubaybayan ko ang mga kwentong naka-upload sa YouTube. Bukod sa masarap kiligin, may ibang storyang kumukurot sa puso ko at nagsasabing huwag mawalan ng pag-asa na darating ang araw na ako mismo ang gagawa ng sarili kong love story.
Kaya nung nalaman kong may libro na si Marcelo, hindi ako nagdalawang isip na bumili. Hindi man ako agad-agad na nakakuha ng kopya, masaya pa rin ako na mayroon na akong libro niya.

Dedication pa lang nung libro, para sa akin na talaga. Tatanggapin ko na ba na isa ako sa mga hopeless romantic? LOL. HAHAHA! Romantic ako pero hindi hopeless. (Ows?!) O kaya naman hopeless ako pero hindi romantic. (Ano ba talaga?!) HINDI KO ALAM! >.< Bahala na. HAHAHAHA!
Kung kinilig ako sa mga likha ni Marcelo, mas kinilig ako nung ni-like niya ang isa kong blog post. Aba ewan ko kung bakit ako kinilig. HAHAHAHA! Lalo pa nung naging follower ko siya sa Twitter (Lord, sana po pati dito sa Tumblr. Amen). HAHAHAHA! Hindi ko kasi inaasahan na makikita niya at ila-like niya. Kinuha ko lang naman din sa libro niya yung “Panliligaw Tips” na pinost ko dito. Wala lang. Nilagay ko lang dito para sa mga lalaking hindi marunong manligaw at hindi kilala si Marcelo (instant promotion. Magkano komisyon ko dito, Marcelo? LOL. HAHAHA!) So ayun.


Simple joys lang. Natutuwa lang ako kaya ako kinikilig. HIHIHIHI! :”> Alam ko kasing maraming followers si Marcelo na umaasa na sana isang araw i-follow din sila. Samantalang ako, isang hindi kilalang blogger at tamang tagahanga lang ay hindi niya binigo. :)
Maraming salamat, Marcelo! :)
***Siya nga pala, kapatid mo pala mismo yung pinagbilhan ko ng libro mo. Ilang araw na ang nakalipas nung nalaman kong magkapatid pala kayo ni Paolo. HAHAHA!***











